Filtered By: Showbiz
Showbiz
LOOK

Pacquiao boys Jimuel, Michael in endorsement shoot for clothing brand


Ilang araw pa lamang ang nakalilipas mula nang ipasilip ni Jinkee Pacquiao ang ilan sa mga eksena mula sa unang endorsement shoot ng anak nila Senator-elect Manny Pacquiao na si Jimuel, muling sumalang ang binata sa photoshoot para naman sa isang sikat na clothing brand. 

Sa pagkakataong ito, kasama ni Jimuel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Michael, na ngayon lamang rin bibida sa isang endorsement.

Sunod-sunod ang naging Instagram posts na proud mom na si Jinkee mula sa nasabing photoshoot, na para umano sa isang advocacy campaign mula sa clothing brand na Bench.

 

 

Advocacy campaign #letsunite#lovelocal#benchtm

A photo posted by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

 

 

Another day. Another blessing. ?????? @leoposadas #myboys#grateful#thankingGodforeverything

A photo posted by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

 

Ayon sa asawa ni Pacman, na todo ang suporta sa kanilang mga anak, “When you give your time for them, you are giving a portion of your life that you will never get back.”

Sa mga nauna niyang post, nagbiro pa si Jinkee at tinawag ang sarili na "stage mom." —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News