Andrea Torres at Ina Raymundo, may swimsuit showdown sa 'The Millionaire's Wife'
Hindi lang ang istorya ng afternoon prime series na "The Millionaire's Wife" ang painit nang painit kung hindi maging ang mga tagpo gaya ng mala-swimsuit showdown sa pool party scene sina Andrea Torres at hot mom na si Ina Raymundo.
Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel sa GMA News 24 Oras nitong Martes, sinabing lalong paiinitin nina Andrea at Ina ang summer sa mga susunod na tagpo ng "The Millionaire's Wife."
Sa kinunang pool party scene, mistulang nag-swimsuit showdown ang dalawang sexy cover girls.
Si Andrea, sultry sa kanyang black cut out one piece swimsuit at hindi naman nagpatalbog ang hot momma na si Ina.
Ang single na si Andrea, hanga at humingi ng tip kay Ina kung paano nito napananatili ang magandang pangangatawan sa edad na 40 at pagkakaroon ng limang anak.
Hindi naman naging maramot si Ina at ibinahagi na tamang pagkain at sapat na ehersisyo ang susi sa pagandang pangangatawan.
Hindi rin nagpahuli ang mga Kapuso hunk na sina James Blanco at Sid Lucero na agaw-eksena pa habang ginagawa ang interview.
May kanya-kanya raw intimate scenes sina Andrea at Ina kina James at kay Mike Tan na dapat ding abangan. -- FRJ, GMA News