Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heneral Luna, naabot na ang P200-M kita sa takilya


Matapos ang mainit na pagtanggap at pagtangkilik ng mga Pilipino mula sa iba't ibang panig ng bansa, naabot na ng historical biopic na 'Heneral Luna' ang P200-milyong kita sa takilya, halos kapantay ng naging kabuuang gastos upang mabuo ang pelikula.
 
Nitong unang araw ng Oktubre, itinuring na umanong highest grossing historical film ang Heneral Luna matapos tumabo sa takilya ng mahigit P172 milyon sa ikaapat na linggo ng pagpapalabas nito sa mga sinehan.
 
Sa opisyal na Facebook page ng pelikula, nagpasalamat ang lahat ng bumubuo sa pelikula sa tagumpay na kanilang nakamit sa pamamagitan ng mainit na suporta ng mga manonood.
 

Dear All,We have now officially crossed the Php 200 million mark for HENERAL LUNA! We can't thank you all enough for...

Posted by HENERAL LUNA on Saturday, October 3, 2015
Anila, "We have now officially crossed the Php 200 million mark for HENERAL LUNA!  We can't thank you all enough for making it possible for the film to reach this new milestone."
 
"Of course, while our true break-even point is still at Php 240M, it doesn't diminish one bit our ability to appreciate everyone's ongoing patronage and support--beginning with those who called into theaters to bring it back, to moviegoers being vigilant about anti-piracy, to teachers requiring their students to watch it, to students bringing their families to see it, to journalists talking about it on TV and radio or writing about it in their columns, to everyone on social media who can't stop posting about it, and finally to the Juans and Juanas out there who keep talking about it to their "barkada" or "kapitbahay"---sa atin pong lahat ang pelikulang ito," dagdag pa nila.
 
Mula sa mahigit P15 milyon na kita sa unang linggo ng pagpapalabas ng pelikula sa mga sinehan, tumaas ito sa P44 milyon sa ikalawang linggo. Naganap naman sa ikatlong linggo ang pinakamalaking pagtabo ng pelikula sa takilya na P104 milyon.
 
Ang 'Heneral Luna' ang opisyal na entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film Category sa Academy Awards para sa susunod na taon. — Bianca Rose Dabu/JDS, GMA News
Tags: heneralluna