Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ibang Kris Bernal, mapapanood sa bagong Kapuso series na 'Prinsesa Ng Buhay Ko'


Balik-tambalan sina Aljur Abrenica at Kris Bernal sa kanilang pinakabagong show na aabangan sa GMA-7 this September, ang Prinsesa ng Buhay Ko. Kasama sa cast sina Renz Fernandez, LJ Reyes, Jan Manual, Ping Medina, Maritoni Fernandez, Lian Paz, Vincent Magbanua, Debraliz, Marco Alcaraz, Carmi Martin at Emilio Garcia. May special participation din si Mark Anthony Fernandez sa direksyon ni Dondon Santos. “Sa Prinsesa ng Buhay Ko, tumira ako sa bahay ampunan. Hindi ko nakilala iyong mga tunay kong magulang. Iyon yung goal ko, ang mahanap sila. At saka, matupad ang mga dream ko. Kasi, isa akong Avon lady dito, so nagbebenta ako ng mga make-up product. Dahil sa trabaho kong ‘yon, sa raket raket, unti-unting natutupad ang pangarap ko,” kuwento ni Kris sa kanyang nalalapit na pagbabalik sa GMA Telebabad. Pagtiyak ng aktres, ibang Kris Bernal daw ang makikita sa Prinsesa ng Buhay Ko. "Kasi sa Coffee Prince, comedy naman, pero kasi lalaki ako du’n eh. Ito talagang normal, maboka ako, maingay akong babae. Jologs, ganun ako. May transformation ako dito. Ibang kuwento ito,” patuloy ng drama princess. Inamin ni Kris na excited siyang makatambal muli ang kanyang ka-love team na si Aljur Abrenica. “Iyong Coffee Prince last year pa. Naghintay din kami siguro ng mga eight months bago dumating itong soap na ito. Magpapakilig ulit kami ni Aljur,” sambit niya sabay pagtiyak na hindi pa rin naman mawawala ang drama sa kuwento. At dahil napatunayan na ni Kris ang kakayanan niya pagdating sa drama at matinding iyakan, tinanong namin ang aktres kung may pinaghuhugutan ba siya ng emosyon sa mga mabibigat na eksena? “Marami na kasi akong pinagdaanan sa buhay. Hindi joke lang, wala naman,” natatawa niyang sabi.  “Actually, ‘pag iisipin ko nga, sabi nila humugot ka daw sa mga pinagdaanan mo, pero ang bata ko pa eh. Kumbaga, ang bababaw lang ng pinagdaanan ko. Usually, ginagamit ko talagang technique iyong character talaga.” Nang tanungin kung ano sa tingin niya ang dahilan kung siya ang napili sa proyekto, tugon niya: "Siguro dahil pinagdaanan ko iyong hirap sa Starstruck. Ginawa kong lahat para maabot ko ang matagal ko ng pangarap, ang maging artista. Ganun din ang hinihingi ng kuwento ng Prinsesa ng Buhay Ko.” Dagdag pa niya “Sobrang po akong thankful na ako ang napili [para sa Prinsesa ng Buhay Ko]” Inspirasyon ni Kris ang mga taong nakapaligid sa kanya. “I’ll do everything with all my heart, talagang pagbubutihan ko. Hindi lang para sa mga fans. Hindi lang para sa career ko, kung hindi para na rin sa growth ko bilang artista,” aniya. Watch out for Kris Bernal in her upcoming show, Prinsesa ng Buhay Ko, soon on GMA. Can’t get enough of her? Keep on visiting www.gmanetwork.com for more updates on your favorite Kapuso stars and shows. -- Eunicia Mediodia/Bochic Estrada, GMANetwork.com