Regine Velasquez gives joy to children via “Operation Smile’
Kahit abala sa paghahanda sa kanilang kasal ni Ogie Alcasid, nagbigay pa rin ng panahon ang Asiaâs Song Bird na si Regine Velasquez para gampanan ang kanyang tungkulin bilang âSmile Ambassador" at magbigay ng kasiyahan sa mga batang may bingot. Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, sinabi nito na binisita ni Regine ang operation smile mission sa Ospital ng Makati kung saan 150 pasyente na may cleft lip and cleft palate ang nabiyayaan sa libreng operasyon. Karamihan sa mga pasyente ay mga bata na tuwang-tuwa nang makita ang singer-actress. Pumasok din si Regine sa operating room para aktuwal na makita ang proseso sa pag-ayos sa bingot upang maibalik ang ngiti sa labi ng mga bata. Noong Agosto nahirang si Regine bilang âsmile ambassador." Matatandaan na tinulungan niya ang isang batang may bingot na nakasama niya sa kantaserye sa GMA 7 na Diva.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV â(It) Started with Jason actually, tapos parang nakita yata nila ako dunâ¦tapos sabi ko sure siyempre Iâll be happy to⦠like I said its an honor. Kapag talagang puwede ako, talagang pinupuntahan ko talaga kasi ito lang naman ang puwede kong maging role as ambassador," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Natutuwa naman ang mga member ng board and trustees ng Operation Smile sa suportang ibinibigay sa kanila ni Regine. âNakita namin kasi kay Regine yung katangian ng isang puwedeng maging smile ambassador, yung companionate," ayon kay Dr. Roberto Manzano, president and exec-director ng Operation Smile. Para lalong makatulong, pinaplano ni Regine na gumawa ng isang benefit concert. Isang kanta rin ang isinama niya sa ilalabas na album kung saan ang bahagi ng kikitain ay mapupunta sa naturang charity work. â FRJimenez, GMANews.TV