Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez talks about her new show Diva, the first 'kantaserye'


Masaya at excited ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez sa kanyang bagong show na kauna-unahang kantaserye sa Philippine television, ang Diva na napapanood sa Kapuso Network. Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, ipinakita ang bonggang press launch ng Diva kung saan nagmistulang nag-concert ng mga cast ng bagong soap na tiyak na aabangan ng mga manonood. Gaganap si Regine sa naturang kantaserye sa karakter bilang si Sam, na magiging si Melody sa sandaling maging singing diva na siya. “Kasi ano ako dito, mahilig akong…mapag-isip ako. So yung mga production number nangyayari sa head ko, sa isip ko lang. Parang sa fantasy, sa imagination ko na lahat ng tao sa paligid ko kumakanta," kuwento ni Regine sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kasama sa cast ng Diva na may kanya-kanya ring number sa ginawang press launch sina Boboy Garabillo, Gloria Diaz, Rufa Mae Quinto, Jaya, Randy Santiago, Mark Herras, Glaiza de Castro, Ynna Asistio, Mark Anthony Fernandez at TJ Trinidad. Ayon sa ulat, ang Diva ay kombinasyon ng drama, comedy, fantasy at siyempre…love story. Magsisilbi rin itong balik-tambalan nina Regine at Mark Anthony mula sa My Name is Kim Sam Soon. “Sa tingin ko parang mas may love triangle ng konti. Kissing scene hindi ko alam kung ano ang magiging ano…pero definetely we will try to rock your life," pahayag naman ni Mark Anthony. Sa kabila ng kasiyahan ni Regine para sa Diva, nalulungkot naman siya sa nalalapit na pagwawakas sa ere ng variety show na SOP Fully Charged na huling mapapanood sa Linggo. Sa kabila nito, hindi naman dapat malungkot ng matagal ang mga fan ng SOP dahil may papalit kaagad dito na programa kung saan tampok pa rin ang mga main hots na sina Regine, Ogie Alcasid, Janno Gibbs at Jaya. Tiniyak din ni Regine na mananatili sila ni Ogie bilang mga Kapuso dahil masaya sila sa nasabing network. - Fidel Jimenez, GMANews.TV