Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Balikan natin ang 'Tunay na Buhay' ni Liezl Martinez, ngayong Martes



 

Alam n’yo bang nagsimula bilang child star noong 1968 ang actress na si Anna Lisa Sumilang Martinez o mas nakilala natin bilang ‘Liezl Martinez?’ Nag-iisang anak siya ng mga beteranong artistang sina Amalia Fuentes at Romeo Vasquez. Ina siya ng kaniyang tatlong anak sa premyadong aktor at director na si Albert Martinez.
 



2008 nang ma-diagnose siya sa breast cancer, nakipaglaban, gumaling ngunit muling na-diagnose sa stage 4 lung cancer naman noong 2011.  Matapos ang  mahigit 3 taong pakikipaglaban sa sakit ay tuluyan nang binawian ng buhay si Liezl nitong ika-14 ng Marso 2015. Siya ay 47 taong gulang. Kahapon, na-cremate na ang labi ng aktres. 
 



Magbalik-tanaw tayo at magbigay-pugay sa magandang buhay ni Liezl Martinez ngayong Martes sa ‘Tunay na Buhay.’