Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Problema sa mga basurang naiipon sa mga dump site, tatalakayin sa 'Reporter's Notebook'
"BASURA IN THE CITY"
Reporter's Notebook
Huwebes, Abril 9
4:30 PM sa GMA-7
Kada taon, nasa tatlong milyong tonelada o mahigit isang milyong truck ng basura ang naiipon sa Metro Manila ayon sa National Solid Waste Management Commission. Katumbas ito ng dalawampu’t limang porsyento ng basurang naiipon sa buong bansa. At dahil na rin daw sa lumulobong populasyon sa mga lungsod, patuloy rin ang pagdami ng basura. Tatlong landfill ang pinupuntahan ng basura sa Metro Manila: ang mga landfill sa Montalban, Navotas at Payatas. Kung tutuusin, dapat hindi lahat ng basura ay napupunta sa mga landfill sang-ayon na rin sa Ecological Solid Waste Management Act. Dapat ay hinihiwalay na ang mga nabubulok, hindi nabubulok at ang maaaring iresiklo sa mga bahay at barangay pa lang. Pero ang problema, hindi naman ito nasusunod.
Taong 2000 nang maganap ang Payatas dumpsite tragedy na kumitil sa buhay ng mahigit dalawang daang katao. Dahil sa gabundok na ang basura, gumuho ito sa kasagsagan ng pag-ulan. Marami sa mga residenteng natabunan, hindi pa rin natatagpuan hanggang ngayon. Labing limang taon matapos ang trahedya, sa basura pa rin nakahahanap ng kabuhayan ang maraming residente. Kabilang sa kanila ang labing-isang taong gulang na si Jennifer. Sa basurahan niya kinukuha ang kanilang panggastos sa araw-araw kasama ang kanyang ina at kapatid.
Tinungo rin ng Reporter’s Notebook ang landfill sa bayan ng Tanza sa Navotas. Sa gitna ng maraming bakawan, umaalingasaw ang amoy ng basurahan. Ang landfill, malapit mismo sa karagatan.
Sa kabila ng pagkakaroon ng Ecological Solid Waste Management Act, bakit nga ba tila hindi pa rin masolusyunan ang problema sa basura?
Huwag palalampasin ang “Basura in the City,” ngayong Huwebes, 4:30 ng hapon pagkatapos ng Kailan Ba Tama ang Mali?
More Videos
Most Popular