Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Beauty and fitness tips ni Alma Concepcion, alamin sa 'Pinoy MD'


AUGUST 13, 2016
SABADO
6 HANGGANG 7 NG UMAGA


“BANGON NA” WITH ALMA!
Dating beauty queen, model at actress, ngayon ay businesswoman, interior designer at mother si Alma Concepcion na bibida sa Pinoy MD ngayong Sabado. Matapos dumaan sa matinding dagok sa buhay, isa raw sa pinagtutuunan niya ng pansin ngayon ang kanyang kalusugan para na   rin sa kanyang  anak.  Anu-ano kaya ang health tips ni hot momma Alma?

 

MUKHASIM MORNING WITH CHUCKIE

Tuwing maulan, siyempre binabalik-balikan nating mga Pinoy ang paborito nating sinigang.  Sa Sabado, samahan si dating child at teen star na si Chuckie Dreyfuss sa kanyang paglibot sa ilang mga restaurant para tikman ang ilang kakaiba at healthy versions ng sabaw na iyan.

 

NANAY NA SI INENG
Sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Population Fund, ang Pilipinas daw ang kaisa-isang bansa sa Asia Pacific na tumaas ang bilang ng teen pregnancies nitong nakalipas na dalawang dekada.  Nakaa-alarma ang ganyang antas lalo na para sa mga magulang lalo na’t peligroso ang masyadong maagang pagbubuntis. Ngayong Family Planning month, ibabahagi ng Pinoy MD ang mga mahahalagang impormasyong dapat malaman ng bawat pamilya tungkol sa teen pregnanacy.

HEARTY FOOD PLAN
Mahirap at mahal ang magkaroon ng sakit sa puso.  Kaya naman isa sa mga nirerekomenda ng mga eksperto ay ‘di lang dapat puro gamot, dapat maging healthy rin ang pagkain.  At sa tulong ng tinatawag na cardiometabolic food plan, maggagawa  iyan.  Kung anu-anong pagkain ang pasok dito, alamin ngayong Sabado.

Bawat Sabado, makasisigurong matuto kayo sa Pinoy MD. Alamin ang mga tips pangkalusugan mula kina Connie Sison, Doc Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor, Doc Oyie Balburias at Dra. Jean Marquez, sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan.  Manood ng Pinoy MD sa Saturday, alas 6 hanggang alas 7 ng umaga sa GMA.

Tags: plug, pr, prstory, pinoymd