'Isang Banyerang Isda,' dokumentaryo ni Kara David ngayong Sabado sa I-Witness
“ISANG BANYERANG ISDA”
Dokumentaryo ni Kara David
October 8, 2016
In the small island community of San Ramon in Rapu-Rapu, Albay, everyone has a deep connection to the sea. It’s part of their home that links them to the rest of the world. It has witnessed generations of boys turn into fishermen. For the longest time, the sea has been generous to the people of San Ramon.
But the earth’s riches are finite.
Kara David meets boys and men who depend on the sea to provide their daily needs. At the age of 13, Biboy dela Cruz dives, hunts and fishes in the municipal waters. He is but a step to adulthood, which in San Ramon is marked by going far into the Pacific Ocean for “taksay” fishing.
In the middle of the sea, in the cold dark night, Kara discovers the endurance and unwavering faith of the “taksay” fishermen. Will the sea reward them with enough blessings?
Watch ”Isang Banyerang Isda” this Saturday (October 8, 2016) on GMA 7, after Superstar Duets. Tweet or post comments @IWitnessGMA, the I-Witness official Twitter and Facebook accounts or at Kara David’s Twitter account @karadavid.
Filipino version
Sa San Ramon, Rapu-Rapu sa probinsya ng Albay, ang buhay ay nakaangkla sa dagat. Dito, walang highway. Ang dagat ang kanilang kalsada patungo sa kapitolyo. Ito rin ang kanilang malawak na palaruan, kakabit ng bakuran ng bawat tahanan. Sa loob ng mahabang panahon, walang patid ang biyaya para sa mga mangingisda ng San Ramon.
Ngunit may hangganan ang bawat yaman.
Ngayong Sabado, maglalakbay si Kara David sa San Ramon kung saan sa pangingisda nagbibinata ang mga batang lalaki. Sa edad na 13, si Biboy dela Cruz, may iba’t ibang diskarte makakuha lamang ng yamang dagat na makakain. Samantala, sa laot, may grupo ng mga mangingisdang nagta-“taksay”. Handa silang bumiyahe sa gitna ng dilim at nagtataasang alon, hanggang dagat Pasipiko, para lamang may maiuwing isda sa kanilang pamilya.
Panoorin ang ”Isang Banyerang Isda” ngayong Sabado (October 8, 2016), pagkatapos ng Superstar Duets sa GMA 7.Magtweet o magpost sa I-Witness @IWitnessGMA (ang official Twitter and Facebook accounts) o sa Twitter account ni Kara David, @karadavid.