Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Titser Annie,' dokumentaryo ni Kara David, ngayong Sabado sa 'I-Witness'


 

“TITSER ANNIE”

Dokumentaryo ni Kara David

November 7, 2015

Ano ang makikita sa lugar ng iyong mga pangarap? Para sa gurong si Annie Lee Masongsong, dito ay may bundok, mabato, at maraming rumaragasang ilog. Habang ang iba kasi’y nangangarap ng modernong pamumuhay, iniiwan ni Titser Annie ang kanyang tahanan at pamilya para magturo sa mga katutubong Mangyan.

Dahil ang serbisyo ng gobyerno’y kadalasan nasa bayan at siyudad, ang mga katutubong Pilipino gaya ng Mangyan ay malayo sa mga programang edukasyon, kalusugan, at iba pa. Kadalasan ang tingin sa kanila’y walang pinag-aralan, o di kaya, “hindi sibilisado” --- na para bang sila’y ibang uri ng tao mula sa ibang panahon. Ngayo’y unti-unting binabago ang pagtingin na ito ng mga kabataan at nakatatandang Mangyan ng Sitio Labo sa Bansud, Oriental Mindoro. Si Dina Mantaring, sa edad na 20 ay pinagsasabay ang pagpasok sa kinder at paghahakot at pagbebenta ng saging. Mahirap man ang buhay sa bundok, wala ni isang mag-aaral sa sitio ang tumitigil sa pag-aaral, dahil na rin sa pagpupursige ng kanilang guro. Hanggang saan sila dadalhin ng pangarap ni Titser Annie?

Mapapanood ang dokumentaryo ni Kara David, ang “Titser Annie,”  ngayong Sabado (November 7, 2015), pagkatapos ng Celebrity Bluff. Abangan ang sorpresang hatid ng I-Witness! Para sa detalye, bisitahin ang official I-Witness Facebook Account: IWitnessGMA. Para naman sa mga komento, i-tweet si Kara David, @karadavid at I-Witness, @IWitnessGMA.

 



English version:

What are dreams made of? For Annie Lee Masongsong, hers involve rocky treks and raging rivers. While everybody else dreams of modern life, this teacher leaves the comforts of her home and family to be with indigenous Mangyans.

With government services concentrated in towns and cities, Filipino indigenous groups like the Mangyans have little access to education, health, social welfare, infrastructure, among other basic necessities. They are oftentimes stereotyped as illiterate, or worse, primitive --- as if they are of a different kind and from a different era. In a little Mangyan commune called Sitio Labo in Bansud, Oriental Mindoro, these stereotypes are coming to an end. The youth and elders of this community are bridging the literacy gap, like Dina Mantaring who, at age 20, has been balancing kindergarten and harvesting bananas for a living. Life in the mountains may be hard, but none of the students of Sitio Labo has quit. How far will the teacher’s and students' dedication take them?

Watch Kara David’s documentary “Titser Annie” on I-Witness this November 7, 2015 after Celebrity Bluff. For details, visit the official I-Witness Facebook account: IWitnessGMA. For comments, tweet Kara David, @karadavid and I-Witness, @IWitnessGMA.