Filtered by: Publicaffairs
Public Affairs
'Viva, Vinta!', dokumentaryo ni Howie Severino, ngayong Sabado sa 'I-Witness'

“VIVA VINTA!”
Dokumentaryo ni Howie Severino
October 24, 2015
Mula sa upos na naiwan ng madugong bakbakan sa pagitan ng MNLF at militar, muling maglalayag ang makukulay na vinta sa lungsod ng Zamboanga.
Dalawang taon makalipas ang krisis na nagdulot ng pagkawasak ng lungsod, bumalik na ang mga Zamboangueño sa dagat para sa taunang Regatta de Zamboanga, ang karera na nagtatampok ng makasaysayang vinta.
Sa karera, nasaksihan ni Howie Severino at ng kanyang documentary team kung paano napagsasama-sama ng vinta ang mga residente ng Zamboanga na mula sa iba't ibang tribo at kultura, salungat sa ginawang paghati sa kanila ng sagupaan na sumiklab noong Setyembre 2013.
Nakilala ni Howie ang mga kalahok sa karera na pawang mga naging biktima ng malawakang pagsusunog ng mga barangay sa lungsod noon. Sa paglilis ng kanilang mga layag, susunod na kaya ang pagbangon ng kanilang mga komunidad?

English version:

From the charred ruins of the bloody Zamboanga siege rise colorful vinta sails.
Two years after the conflict that tore their city apart, Zamboangueños are racing again, having revived the annual regatta of traditional sailboats that has been an essential part of their community fabric.
Howie Severino and his documentary team witness this exuberant event and how the vintas bring residents of diverse cultural backgrounds together---a far cry from the ethnic divisions that the conflict slashed open.
Amid the festivities, Howie meets survivors of the siege who join the race, part of a proud city's effort to heal and move on.
More Videos
Most Popular