Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Mga kababalaghan sa Casa Nicolasa, sisiyasatin ni Jay Taruc sa 'I-Witness'
“CASA NICOLASA”
Dokumentaryo ni Jay Taruc
November 1, 2014
Sa kabila ng sinaunang disenyo at arkitektura nito, marami pa rin ang namamangha sa Casa Nicolasa hanggang ngayon.
Taong 2003 nang ideklara ito ng National Historical Commission of the Philippines bilang “Heritage House”.
Pagmamay-ari ito ng mga pamilya ng Henson at Hizon…ang kauna-unahang bahay na bato na itinayo sa San Fernando, Pampanga. Kahit ito ay pribadong pagmamay-ari, bukas ang bahay sa kahit sinong gustong makita ang makapigil-hininga nitong disenyo.
Subalit sa likod ng kaakit-akit nitong ganda, may natatagong kuwento na hindi pa niluluma ng panahon. Mga kuwento na hanggang ngayon ay bumabagabag pa sa mga residenteng nakatira sa paligid ng lumang bahay: isang babae na palagi raw nakadungaw sa binta, at isang lumang piano na mag-isang tumutugtog.
Sa pamamagitan ng paglalagay ng CCTV cameras, aalamin ni Jay Taruc at ng kanyang team kung totoo nga ba ang mga kuwentong kababalaghan sa loob ng Casa Nicolasa. Abangan ang I-Witness ngayong Sabado, Araw ng Undas, 10:30 ng gabi, pagkatapos ng Celebrity Bluff.
More Videos
Most Popular