Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Ang Huling Mambabatok" (Documentary by Kara David)


Episode on July 19, 2010 Monday after Saksi! “ANG HULING MAMBABATOK" Documentary by Kara David For many generations, Kalinga has kept its prized art of tattooing, known locally as “pagbabatok." It was considered a rite of passage for women about to be married, and was also a symbol of valor and strength for men. In this unique tradition, wood and ink are the primary tools for imprinting art on the natives’ skin. Whang Od, 89 years old, is the oldest living “mambabatok" or tattoo artist. Her grandchild Grace is a candidate for passing on the tradition. But as Kara David and the team discover, the motives for tattooing are slowly changing. Rather than for tradition or culture, tattooing is now seen as a lucrative means to earn. But is this enough to drive the people to preserve their old tradition? Or will Wang Od become the last “mambabatok" of Kalinga? I-Witness airs this Monday after Saksi.
Isa sa pinakaiingatang sining ng Kalinga ay ang paraan nito ng pagta-tattoo na tinatatawag na pagbabatok. Kung babalikan ang ating kasaysayan, isa ito sa ating ipinagmamalaking sining. Ang kanilang sining sa pagta-tattoo ay masasabing natatangi dahil ito ay nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Ayon sa kasaysayan, mahigit isang libong taon na ang kasanayang ito. Ginagamit ang pagta-tattoo bilang isang “rite of passage" sa mga babae bago sila ikasal at simbolo naman ito ng katapangan at kagitingan para sa mga lalaki. Kahoy ang pangunahing ginagamit upang maitatak ang sining na ito sa balat. Si Whang Od, sa edad na 89, ang natitirang mambabatok o tattoo artist ng Kalinga. Ngunit dahil sa dalang pagbabago ng modernisasyon unti-unti nang nagbabago ang pagtingin dito ng mga tao. Naglalaho na nga ba ang sining ng pagbabatok sa Kalinga? Sa pagkawala ni Whang Od tuluyan na nga bang maglalaho ang isang kultura’t tradisyon na dati ay simbolo ng katapangan? Sa darating na Lunes samahan si Kara David upang masaksihan kung ano nga ba ang kahihinatnan ng kultura’t sining ng pagbabatok ng Kalinga dito sa I-Witness pagkatapos ng Saksi.