Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lalaking nagtuturo sa lansangan, tampok sa 'Front Row'


‘Misyon sa Lansangan’

June 13, 2016

Lumaki sa lansangan si Francis. Isang dating batang kalye na nagbebenta ng sampaguita. Sa lansangan, nabigyan siya ng karunungan at natulungan upang makapagtapos ng pag-aaral.

Ngayon, ang dating batang nagtitinda ng sampaguita, isa ng guro matapos makapagtapos ng kursong edukasyon. Sa kanyang tagumpay, may misyon si Francis: ang makatulong din sa mga batang lansangan.

Sundan ang kuwento ng “Misyon sa Lansangan” sa Front Row, ngayong Lunes, ika-13 ng Hunyo, pagkatapos ng Saksi!

Tags: plug