Gurong nagtuturo sa mga detainee ng Quezon City Jail, kilalanin sa 'Front Row'
Ang edukasyon ay para sa lahat. Walang pinipiling edad o estado sa buhay. Wala rin itong pinipiling lugar.
Taong 2005 nang tanggapin ni Teacher Irene Barzaga ang isang hamon na magturo... hindi sa pangkaraniwang silid-aralan kung saan pawang mga bata ang estudyante... kundi sa isang bilangguan.
Isa sa mga estudyante ni Teacher Irene si Lolo Pedro, limampu’t walong taong gulang. Anim na taon nang nakakulong si Lolo Pedro sa QC Jail sa kasong may kinalaman sa droga. Elementarya lang ang natapos ni Lolo Pedro kaya malaking tulong daw sa kanya ang mapabilang sa klase si Teacher Irene.
Tunghayan ang pag-asang hatid ni Teacher Irene sa dokumentaryong SELDA-ARALAN sa Front Row - ang itinanghal na 2015 Gold World Medal Awardee bilang Best Public Affairs Program ng prestihiyosong New York Festivals at nagkamit din ng Gold Camera at One World Award sa US International Film and Video Festival. Lunes, November 9, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.