Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Signos: Banta ng nagbabagong klima" to be replayed on QTV 11


Airing on May 24, 2008 Saturday at QTV Channel 11 Global warming is the most serious threat the world faces today. The warning signs are present , even here in the Philippines . Drought is felt during the rainy season and typhoons strike in the summer months. Sea water level is on the rise and more areas experience flooding . These are only some of the symptoms of a serious and growing global phenomenon: climate change. This environmental crisis puts the lives of millions at risk, hitting the poor countries hardest. In response to the call for environmental awareness, GMA Public Affairs presents Signos (Fatal Signs), Philippine television’s first full-length documentary on what is considered the most pressing environmental issue today – the world’s changing climate as a result of decades of unchecked human activity. Following in the tradition of Al Gore’s “An Inconvenient Truth", Signos aims to bring the concept closer to home through a nation-wide investigation of the manifestations of climate change. Award-winning journalists, Howie Severino, Maki Pulido and Raffy Tima travel to different parts of the country to prove that the impact of climate change reaches far beyond the glaciers of the Polar Regions. Severino visits Bicol, where a 150-meter fault line and intensifying typhoons threaten to bury towns with landslides. Pulido discovers a town in La Union that has dwindled to more than half of its original size. In El Nido, Palawan, Tima ventures underwater to investigate a phenomenon called coral bleaching. To provide the most in-depth report, Signos brings together scientists from local and international institutions, including Filipino NASA Senior Research Scientist and Nobel Prize winner, Dr. Josefino Comiso, and experts from the International Rice Research Institute (IRRI), Marine Science Institute, Greenpeace, and World Wildlife Fund for Nature (WWF), and other climate change experts. Signos brings Filipino viewers a comprehensive look on climate change, its causes, effects, and the measures that must be taken to prevent its disastrous consequences.
Narrated by Greenpeace advocate, Richard Guttierez, Signos airs April 20, after Ful Haus. For more information, visit the SIGNOS blog.
Ang global warming ay ang pinaka seryosong banta na hinaharap ng mundo ngayon. Ang mga nakababahalang palatandaan ay narito na at ramdam na pati sa Pilipinas. Nararanasan ang tagtuyot sa panahon ng tag-ulan, dumarating ang bagyo kahit tag-init. Tumataas na rin ang tubig-dagat na sanhi ng pagbabaha sa iba’t-ibang lugar. Ilan lang ang mga ito sa senyales ng lumalalang pandaigdigang pangyayari: ang nagbabagong klima o climate change. Dahil dito, nalalagay sa peligro ang buhay ng milyun-milyong sangkatauhan, at ang pinaka apektado ay ang mga nakatira sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas. Ngayong Abril, inihahandog ng GMA Public Affairs ang Signos, ang kauna-unahang dokumentaryo sa telebisyon ng Pilipinas tungkol sa pinaka mahalagang isyu sa kapaligiran – ang nagbabagong klima na resulta ng kapabayaan ng tao. Sa tradisyon ng “An Inconvenient Truth" ni Al Gore, ilalapit ng Signos ang isyu ng climate change sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-iimbestiga ng ganitong pangyayari sa buong kapuluan. Binubuo ang Signos ng tatlo sa mga award-winning na mamamahayag ng GMA News and Public Affairs na sina Howie Severino, Maki Pulido, at Raffy Tima. Pinuntahan nila ang iba’t-ibang lugar sa bansa para alamin ang peligrong dulot ng nagbabagong klima - si Howie Severino, binisita ang Bicol kung saan nanganganib na matabunan ng landslide ang ilang lugar doon dahil sa tila tumitinding mga bagyo. Sa isang bayan ng La Union naman, napag-alaman ni Maki Pulido na kinain na ng tubig ang kalahati ng lupang tinitirhan ng mga residente. At si Raffy Tima ay inalam ang pangyayaring coral bleaching sa Palawan. Pinagsama-sama rin ng Signos ang ilang local scientists, pati na si NASA Senior Research Scientist at Nobel Prize winner, Dr. Josefino Comiso. Makakasama niya ang mga dalubhasa mula sa ilang institusyon tulad ng International Rice Research Insititute (IRRI), Marine Science Institute (MSI), Greenpeace, at World Wildlife Fund for Nature (WWF), at ilan pang eksperto sa climate change. Layon programa na makapagbigay ng malalim na pagtingin sa isyu, ang mga sanhi at epekto nito, at ang mga maaaring gawin para maiwasan ang nakaambang kapahamakan. Isasalaysay ang Signos ni Richard Guttierez, isang Greenpeace advocate, at ipapalabas ngayong April 20, pagkatapos ng Ful Haus.