Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga kuwento ng kababalaghan sa Kawasan Falls, sasagutin sa 'AHA!'


MARCH 26, 2017

 


Tag-init na naman at isa sa paboritong pasyalan ang iba’t ibang anyong-tubig sa ating bansa gaya ng talon o waterfalls. Samahan n’yo kaming bisitahin ang itinanghal na 8th Most Beautiful Waterfalls in the World ng Yahoo Life and Travel— ang Kawasan Falls sa Cebu. Bukod sa natural beauty nito, nababalot din daw ito ng iba’t ibang kuwento ng kababalaghan.  Ano kaya ang sagot ng science tungkol dito?

Naniniwala ba kayong ang mga unggoy raw ang pinakamalapit na kamag-anak ng mga tao? Ano-ano nga ba ang mga katangian at kakayahan ng mga unggoy na halos kapareho ng sa tao?  Alamin ang amazing monkey stories  ngayong linggo.

Mountain bike ang paboritong gamitin sa offroad biking o sa mga kalsadang hindi flat at may humps o rugged na terrain. Pero, alam n’yo ba na puwede na rin ngayong magpractice ng inyong offroad biking skills sa isang bagong bukas na  indoor offroad bike trail.  Iyan ang susubukan ng ating Ka-Aha at triathlete na si Drew Arellano.

Samu’t saring saya at kaalaman sa AHA! Kasama si Drew Arellano , ngayong Linggo, 8:00 am  sa GMA.

Tags: pr, plug, aha, kawasanfalls