LOOK: Singer Erik Santos receives gifts from Pope Francis
January 20, 2015 11:13pm
Matatandaang isa ang singer na si Erik Santos sa ilang celebrities ng naimbitahan upang umawit sa pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas, na nagsimula noong Huwebes at nagtapos nitong Lunes.
 
Kaugnay ng kanyang pakikiisa sa concluding mass ng Santo Papa sa Quirino Grandstand noong Linggo, nabigyan ng munting regalo ang Pinoy singer mula kay Pope Francis. 
 
Kabilang sa kanyang natanggap ay isang rosaryo at isang kwintas, pati na ang imahen ng Santo Papa at official seal ng Vatican.
 
 
Umawit ng Salmong Tugunan si Erik sa concluding Mass ng Santo Papa sa Quirino Grandstand noong Linggo ng hapon, matapos ang encounter with the youth sa University of Sto. Tomas sa Maynila.
 
Ayon kay Erik, kasama niya ang halos 1000 choir members para sa naturang Papal Mass.   Bianca Rose Dabu/JST, GMA News

Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus