Ano kaya ang inuwing souvenir ni Pope Francis mula sa misa sa Luneta?
January 20, 2015 12:16pm
Sa kanyang huling misa sa Pilipinas noong Linggo, humingi ang Santo Papa Francisco ng isang imahen ng Santo Niño mula sa mga mananayaw ng Sinulog.
 
Sa isang panayam, sinabi ni Ike Bacalan, isa sa mga mananayaw, na galing pa ng Cebu City ang Santo Niño na ibinigay nila sa Santo Papa.
 
"Naghingi ang Santo Papa ng isang Sto. Niño galing ng Cebu kaya ibinigay na namin. Kinuha na ng security niya," aniya. 

 
Bago magsimula ang misa sa Luneta noong Linggo, nagbigay ng isang sayaw ang grupong San Diego del Studio.
 
Ani Bacalan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsayaw ang grupo sa Maynila bilang pagdaraos ng Sinulog.
 
"We're very happy and we're very proud to represent Cebu City to give a good performance for the Pope," aniya.
 
Tumulak na pabalik sa Roma ang Santo Papa noong Lunes matapos ang limang araw na pagbisita sa bansa.  — RSJ, GMA News

Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus