Ama ng nasawi sa Tacloban papal visit: May kabuluhan ang pagkamatay ng anak ko
January 18, 2015 6:51pm
Nakipagkita nitong Linggo ang Santo Papa sa ama ng 27-taong-gulang na is Kristel Mae Padasas, ang volunteer na namatay sa isang aksidente sa Tacloban Airport matapos ang Papal mass na ginanap doon noong nakaraang Sabado.
 
Ayon sa Instagram post ng GMA reporter na si Aubrey Carampel, nagtungo si Paulino Padasas, Jr., ama ni Kristel, sa Apostolic Nunciature sa Maynila upang makipagkita kay Pope Francis. Niyakap raw siya at binigyan ng rosaryo ng Santo Papa.
 
“He met Pope Francis today and the little white box he is holding is a rosary given by the Pope himself for Kristel,” paglalahad ni Aubrey sa naturang psot na nagpapakita aky Padasas at sa rosaryong handog ni Pope Francis.
 
 
Dagdag pa ng reporter sa kanyang caption, “Pope Francis hugged him tight and told him that he will pray for him, his wife and their daughter.”
 
Kaugnay nito, sinabi umano ni Paulino sa Santo Papa na "May kabuluhan ang pagkamatay ng anak ko."
 
Nitong Linggo, pinangunhan ni Pope Francis ang sandaling katahimikan at pagdarasal para kay Kristel sa kanyang mensahe para sa mga kabataang nagtipon-tipon sa University of Sto. Tomas sa Maynila.
 
"I would like all of you, young people like her, to offer a moment in silence with me... then we pray to our Lady in heaven," wika ng Santo Papa sa pamamagitan ng isang interpreter.
 
Nasa Maynila si Paulino upang sunduin ang kanyang asawang manggagaling sa Hongkong. Si Kristel ang kaisa-isang anak ng mag-asawa.
 
Matatandaang nakaranas ng malakas na hangin at matinding pag-ulang dala ng Bagyong Amang ang Tacloban noong Sabado kasabay ng pagbisita ni Pope Francis sa lalawigan. Dahil dito, gumuho ang bahagi ng altar na pinagdausan ng misa at nabagsakan ng scaffolding si Kristel sa ulo na naging dahilan ng kanyang pagkamatay
 
Nilinaw na ni Palo Archdiocese' Social Communications Director Fr. Amadeo Alvero na nabasak ang nasabing scaffolding dahil sa malaks na hangin at hindi dahil sa maraming taong nagtipon-tipon para sa pagdating ng Santo Papa.
 
Nasa ilalim ng Storm Signal No. 2 ang lalawigan ng Leyte at anim pang lugar sa Visayas noong Sabado ng umaga, ilang oras bago ang pagbisita ni Pope Francis.
 
Ang masamang lagay ng panahon ay naging dahilan ng pagpapaikli ng sana'y buong araw na pagbisita ng tinaguriang People's Pope sa naturang lalawigan.
 
Galing si Kristel sa Samar bilang bahagi ng Catholic Relief Services na kaisa sa mga naghanda para sa misa ng Santo Papa sa Tacloban Airport. Bianca Rose Dabu/NB, GMA News

Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus