PNoy, kabilang sa milyon-milyong tao na dumalo sa misa ni Pope Francis sa Luneta
January 18, 2015 5:23pm


(Photo from RTVM)


Kabilang si Pangulong Benigno Aquino III sa milyon-milyong Pilipino na dumalo sa misa na idinaos ni Pope Francis sa Quirino Grandstand sa Luneta nitong Linggo ng hapon habang umuulan.
 
BASAHIN: Pope Francis in Luneta: Our ‘deepest identity’ is as God’s children
 
Dahil sa pag-ulan, nakasuot ng itim na jacket si Aquino na napapalibutan ng mga naka-itim din na security personnel. Nandoon din si Vice President Jejomar Binay.
 
Katulad sa Leyte, hindi rin napigilan ng pag-ulan na dala ng bagyong "Amang" ang mga tao sa pagpunta sa Luneta.
 
Ang ilan sa kanila ay may dalang mga pagkain at panangga sa ulan tulad ng kapote at payong. May mga naglagay din ng pansamantalang masisilungan na kubol.

BASAHIN: ‘Payong, ibaba!’ Did Pope Francis hear this chant?

May mga nagtungo rin na kasama ang buong pamilya.
 
Si Gng. Delma Labrador, 66-anyos na mula pa sa Taytay, Rizal, kasama ang kaniyang asawa, anak, manugang at dalawang apo.


 
(Edison Cayco via YouScoop)

"Nasa Orosa na kami kaninang 8 a.m. pero umalis kami, nagtutulakan na papasok pa lang," kuwento ni Gng. Labrador sa GMA News Online.
 
Gaya ng marami, plastik ang naging panangga nila sa ulan.

Umaasa silang makikita nila ang Santo Papa at dadaan sa lugar na kanilang pupuwestuhan.
 
"Sana umikot siya dito para masilayan namin. Malaking ligaya na sa puso namin na makita siya," aniya. "Minsan lang sa buhay na dumating dito si Santo Papa, wala naman tayong pera papuntang Roma."

Dumating sa bansa si Pope Francis nitong Huwebes ng hapon at nakatakdang umalis sa Lunes ng umaga. y"May pagkain naman kami, ulam, tubig, biskwit.— FRJ, GMA News

Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus