Celebrities express admiration for Pope Francis
January 18, 2015 3:10pm
Sa ginawang pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas, nagpahayag ng paghanga at pagmamahal ang ilang Kapuso celebrities sa pamamagitan ng social media. Sina Michael V at Tom Rodriguez, gumuhit pa ng larawan ng Santo Papa na puno ng karisma.
 
Parehong humanga sina Kylie Padilla at Rich Asuncion sa bukas na isipan ng Santo Papa hinggil sa pagkakapantay-pantay ng mga tao.
 
Ayon kay Kylie, "I admire the pope after knowing his stand on gender equality, love for the poor, and of course his support on renewable energy."
 
Nagpasalamat naman si Rich sa Santo Papa para sa pagiging inspirasyon sa pagkakaisa o "[for] "uniting us all in love."
 
LINK: http://instagram.com/p/x8FoRIQjYZ/?modal=true
 
LINK: http://instagram.com/p/x31EbhJ_Rq/?modal=true

Samantala, sumang-ayon naman ang singer na si Julie Anne San Jose sa pahayag ni Pope Francis hinggil sa kahalagahan ng pangangalaga sa mga nilikha ng Panginoon.
 
 

#Repost Like www.facebook.com/AWonderfulWorldPH for updates ???? ????

A photo posted by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

LINK: http://instagram.com/p/x6vvnpMEVC/?modal=true
 
Nangako naman ang dating "Ilustrado" star na si Alden Richards na ipapanalangin niya ang Santo Papa.
 
Bilang isang artista na hindi maiwasang masangkot sa mga tsismis at isyu, nag-post naman si Carla Abellana ng larawan ng quote ni Pope Francis na nagsasabing masama ang tsismis at ang paninira sa kapwa.
 
 

And so we shall Pope Francis....so we shall. ???? ????

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) on

LINK: http://instagram.com/p/x8sn8Py0sU/?modal=true
 
 

#PopeFrancisPH

A photo posted by Carla Abellana (@carlaangeline) on

LINK: http://instagram.com/p/x-zmobnzcR/?modal=true
 
Nitong linggo lang din, kasabay ng pagbisita ng Santo Papa, nag-post ng fan art ang komedyante at aktor na si Michael V. at nilagyan niya ito ng caption na "Francis, the Pope Of Surprises."

 

"Francis, the Pope Of Surprises" #PopeFrancis #Tribute #FanArt

A photo posted by michaelbitoy (@michaelbitoy) on


 
Gayundin, gumawa ang aktor na si Tom Rodriguez ng isang digital art. Sa kanyang Instagram post, nagpasalamat si Tom sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa at sa pag-asang hatid niya sa sambayanang Pilipino.
 
Aniya, "Thank you Pope Francis for visiting our humble country and for inspiring and bringing hope to my people."


--BRDabu/FRJ, GMA News

Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus