LOOK: Rita Avila, receives a ‘thank you’ letter from Pope Francis
December 14, 2014 4:13pm
Nagpasalamat si Pope Francis sa aktres at manunulat na si Rita Avila sa pamamagitan ng isang liham mula sa Vatican para sa mga ipinadala niyang kopya ng mga isinulat niyang libro.

Noong December 2, nakatanggap si Rita ng liham mula kay Mosignor Peter B. Wells, opisyal ng Vatican Secretariat of State, na nagpapaabot ng pasasalamat ng Santo Papa para mga kopya ng librong "The Invisible Wings" at "8 Ways to Comfort with Grace" na ibinigay ng aktres.

Nakasaad rin sa liham na, “His Holiness will remember you and your husband in his prayers. He invokes upin you God's blessings of strength and peace.”

Nagpasalamat naman si Rita sa Panginoon at kay Pope Francis, lalo na at naging espesyal ang pagdating ng liham dahil ika-8 anibersaryo ng kamatayan ng kanyang anak na si Elia Jesu, na binawian ng buhay dahil sa heart failure matapos ang halos isang buwan lamang pagkaraan siyang maipanganak.


Pinasalamatan rin ng aktres sa isa pang Instagram post ang mga sumuporta sa kanyang pagsusulat at ang mga tumangkilik ng kanyang libro.

Aniya, “You are part of this honor and blessing. Thank you very much. May more angels on earth be born out of my books.”


Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus