Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad
KILALANIN

Emirati na si Saeed Al Mehairi, isa ring proud Pinoy


Isang half-Filipino at half-Emirati, inihayag ni Saeed Al Mehairi na proud siyang Pinoy, at masaya pa sa tuwing nakakasalubong ang mga kababayan.

May Emirati na ama at Pinay na ina, nasa Dubai ngayon si Saeed, ngunit lumaki rin siya sa Pilipinas. Aniya, hindi niya makakalimutan ang pakikipaglaro sa mga kalabaw sa Isabela.

Ipinagmamalaki ni Saeed ang pagiging masayahin ng mga Pinoy, na hindi niya nakita sa ibang mga lahi. Agad daw nakikilatis ni Saeed ang mga Pinoy.

"Even though you can say Indonesians and Malaysians, they look like Filipinos, but for me, I can tell if a person is actually a Filipino or not. So like if we are abroad and then I will say 'Kabayan!' and they will reply to me saying 'Yes, kabayan!'"

Tinanggap ni Saeed ang relihiyong Islam, ngunit tinuturuan niya rin ang kaniyang anak ng kulturang Pilipino, tulad ng pagsasabi ng po at opo. Panoorin ang kaniyang kuwento.

— Jamil Santos/MDM, GMA News

LOADING CONTENT