Filtered By: Newstv
NewsTV

Isla ng Batanes, dadayuhin ni Jay Taruc sa 'Motorcycle Diaries'


# MD BatanesExpedition                 
Motorcycle Diaries
June  11, 2015 


 
Sa kauna -unahang   pagkakataon  sa Motorcycle Diaries, babaybayin ni Jay Taruc sakay ng kanyang motorsiklo ang mala-paraisong isla ng Batanes!  


 
Sisimulan  niya  ang kanyang dalawang bahaging roadtrip sa pinakadulong hilaga ng Pilipinas para silipin ang natatangi nitong ganda, makibahagi sa kanyang mayamang kultura at kilalanan ang payak at simpleng pamumuhay ng mga Ivatan.


 
Sinasadya ng mga turista ang Isla ng Batan sa Batanes dahil sa mga nagagandahan nitong tanawin na karaniwang sa pelikula lang makikita gaya ng Marlboro Hills at Basco Lighthouse. Sakay ng motorsiklo, lilibutin ni Jay ang mga pasyalang ito kasama ang mga Riders mula sa Batan Island.


 
Tuloy tuloy naman ang pag-arangkada ni Jay sa Sabtang Island. Dito niya makikita ang likas na pagiging matulungin ng mga Ivatan sa kanilang “bayanihan” at titikman niya  ang mga nagsasarapang seafood sa isla tulad ng Tatus o coconut crabs.


Mababakas naman ang mayamang kultura at pagiging malikhain ng mga Ivatan sa kanilang kasuotan. Sa tibay at ganda ng mga ‘Tukap’ o tsinelas gawa sa pinatuyong abaca, binansagan pa itong ‘Chavayanas’ ng mga turista.  


 
Gawa rin sa abaca ang mga Vakul o headdress at Kanayi o tsaleko na nagsilbing tatak na ng kasuotang Ivatan. Pero hindi lamang ito nagsisilbing palamuti, dahil ginagamit nila itong panangga sa init ng araw at sa ulan.

 
Huwag palalagpasin ang unang yugto ng Batanes Expedition ngayong Huwebes 10PM sa 2015  New York Festivals Bronze World Medalist ---  Motorcycle Diaries sa GMA News TV channel 11!