Filtered By: Newstv
NewsTV

Angkas na sa round 2 ng Biyaheng Ilocos sa 'Motorcycle Diaries'


 #MDBiyahengIlocos
Motorcycle Diaries
Ilocandia Round Two!
April 16, 2015

Mula sa umaatikabong extreme sports at kainan sa Ilocos Norte noong nakaraang linggo... tuluy-tuloy ang mainit at maaksyong biyahe ni Jay Taruc sa Ilocos ngayong Huwebes!

Sasadyain ng Motorcycle Diaries ang mga kilalang pasyalan sa Ilocos Sur, titikman ang mga authentic Ilocano cuisine na talaga namang patok sa ating panlasa at makikilala niya ang mga Ilocanong lumikha ng pangalan sa iba't ibang larangan.



Kasama ang Ilocos Sur Riders, hindi ordinaryong paglilibot sa ilang makasaysayang lugar sa probinsiya ang gagawin ni Jay sakay ng kanilang motorsiklo. Bukod sa Calle Crisologo sa Vigan,  dumaan ang mga rider sa Bantay Bell Tower at binaybay ang kahabaan ng Quirino Bridge -- ang tulay na tumatawid sa Abra River at napapaligiran ng mga kabundukan ng Ilocos.




Isa pang highlight ng biyahe ni Jay sa Vigan ang pagbisita sa Baluarte --- ang sikat na pasyalan sa Ilocos Sur na ibinibida ang ilang natatanging hayop na nagmula pa sa iba't ibang panig ng mundo. At ang kaniyang tour guide, ang mismong gobernador ng Ilocos Sur at isa ring rider na si Gov. Ryan Singson.



Nauuso ngayong summer sa Ilocos ang isang extreme sport, ang pagbisikleta ng mabilis pababa ng bundok o  "Downhill Biking." Sa larangang ito nakilala ang Batibol Bikers at ang pinakabata nilang miyembro --- mga 12-anyos na binatilyo! Suot ang kanilang safety gears, nagiging bonding experience pa ng mga mag-aama ang extreme sports.

At siyempre hindi mawawala ang foodtrip -- Ilokano style! Ang mga pagkaing Ilocano gaya ng poque-poque, bagnet, pinakbet at vigan longganiza, binigyan ng bagong twist! Samahan si Jay tikman ang kakaibang sarap ng longganiza at poque-poque pizza, pinakbet pasta at pocherong bagnet!


Huwag bibitiw sa huling hirit natin sa Ilocandia ngayong Huwebes 10pm sa Motorcycle Diaries sa GMA News TV Ch. 11.