Filtered By: Newstv
NewsTV
Ikalawang yugto ng Cordillera expedition sa 'Motorcycle Diaries'
#CordilleraExpedition
MOTORCYCLE DIARIES
CORDILLERA PART 2
May 29, 2014
Sa ikalawang yugto ng ating Cordillera Expedition, higit pa nating kikilalanin ang mayamang kultura ng mga kababayan natin sa hilaga. Samahan si Jay na makisaya sa kanilang tradisyunal na sayaw at tugtugin, at tikman ang kanilang tradisyunal na pagkain.
Sa bayan ng Banaue sa Ifugao, isang tradisyunal na pagkain ang ipinagmamalaki ng mga Igorot - ang blood sausage na mas kilala sa tawag na pinunog. May hawig ang itsura nito sa longganisa, pero sa halip na karne ay gawa ito sa sariwang dugo at laman loob ng baboy. Itinuturing na espesyal na putahe ng mga Ifugao ang pinunog dahil nakapagluluto lang sila nito tuwing may okasyon kung saan may baboy na kakatayin.
Sikat man ang bulubunduking rehiyon ng Cordillera sa hagdan-hagdang palayan, hindi lang pala palay ang maaani sa kanilang sakahan. Mayroon din palang isda sa kabundukan na pinararami sa mga rice terraces, ang isdang yuyu o “Japanese fish.” Pinaniniwalaan kasi nilang mga Hapon ang nagdala nito sa kanilang lugar noong kasagsagan ng World War 2.
Pero nahaharap din pala sa banta ng pagkaubos ang isdang yuyu dahil hindi rin pala ito ligtas sa pag-atake ng isang peste. Bukod sa palay, pinipinsala rin ng mga golden kuhol ang isdang yuyu. Para pigilan ang pagdami ng mapaminsalang peste, ilang residente ang nanghuhuli ng mga golden kuhol para gawing kuhol burger!
Mula sa probinsiya ng Ifugao ay tatawid na tayo sa lalawigan ng Mt. Province. Bahagi rin ng mayamang kultura ng mga Igorot ang pag-aalaga sa labi ng kanilang mga yumao. Nagsisilbing himlayan ng mahigit isandaang labi ng sinaunang tao ang Ganga Caves sa bayan ng Bontoc sa Mt. Province. Karaniwang gawa sa pinewood ang mga kabaong na matatagpuan sa kuweba. Mula ng buksan sa publiko ang pagbisita dito pinalakas nito ang turismo sa bayan ng Bontoc. Pero kasabay ng paglakas ng turismo ang pagkawala ng mahahalagang kagamitan ng yumao. Maging ang buto ng mga nakahimlay, ninanakaw daw ng mga dayo.
Sa Bontoc rin nakilala ni Jay ang isang grupo ng motorcycle riders. Bagamat dalawang taon pa lang mula ng mabuo ang Montenosa Dirt Riders Group, nakapag-roadtrip na raw sila sa iba’t ibang bahagi ng Cordillera Region, tulad ng Benguet, Kalinga, at Apayao. Kasama ang grupo, binaybay nila Jay ang killer Highway kung saan nahulog ang isang bus na may lulang apatnaput limang pasahero. Kabilang sa nasawi ang komedyanteng si Tado at ang musikerong si David Sicam. Pinuntahan nila Jay ang mismong lugar kung saan nahulog ang bus para suriin kung bakit marami ang naaaksidente rito.
Huwag palalagpasin ang ikalawang yugto ng Motorcycle Diaries Cordillera Expedition ngayong Huwebes 10pm sa GMA News TV channel 11.

More Videos
Most Popular