Filtered By: Newstv
NewsTV

Disiplina ng mga Pilipino, susuriin sa Investigative Documentaries


 

Sa diksyunaryo, ang salitang “modo” ay katumbas ng mabuting pag-uugali. Kaya naman daw kapag sinabing ang isang tao ay walang modo, ang ibig sabihin nito ay salat sa kagandahang asal ang isang tao.

Walang modo ang karaniwang tawag sa mga walang urbanidad, bastos, mapanlamang, at iba pang di kanais-nais na ugali.

Ang kawalan ng modo ang dahilan ng mga karatulang ganito:
Bawal Umihi Rito
Huwag Magkalat
Bawal Dumura
Don’t Block the Driveway

Sa estero sa Balintawak, Quezon City, sa loob ng isang oras, 13 lalaki ang umihi sa tulay kahit na may nakapaskil pang babala na bawal ito.

Sa mga piling lugar lamang pwede ang manigarilyo. Pero marami pa rin ang nagsisindi kahit sa mga bawal na lugar. At saan kaya nila itinatapon ang kanilang upos?

May batas laban sa mga mahuhuling umiihi at nagkakalat ng basura. Ang multa ay P500. Sa kabila nito, marami pa rin ang hindi sumusunod.

Alamin kung sino at bakit may mga walang modo sa ating bansa.Huwag kaliligtaang manood ngayong Huwebes ng Investigative Documentaries, alas otso ng gabi kasama ang 2013 Metrobank Journalist of the Year na si Malou Mangahas sa GMA News TV Channel 11.

Tags: plug