Filtered By: Newstv
NewsTV

Larong Pinoy sa Investigative Documentaries


INVESTIGATIVE DOCUMENTARIES
Airing date: May 2, 8:00 PM, GMA News TV





Tumbang-preso. Taguan. Saranggola. Siyato. Luksong-tinik. Luksong-baka. Trumpo. Teks. Ito ang ilan lang sa mga laro na kinalakhan ng mga batang Pilipino bago masimento ang mga bakanteng lote at mauso ang computer games. Ito ang mga laro na dahilan ng pag-uwi ng mga bata na pawisan, paos, at gutom na gutom. Bahagi ang mga larong ito ng ilang henerasyon ng batang Pilipino.

Sa paglipas ng mga taon, tila kakaunti na lang ang nakakaalam ng mga larong ito.Tinatalo na ang mga ito ng iba't ibang gadgets. Nabawasan na rin ang pakikipagsalamuha ng mga bata sa kapwa paslit, dahil sa mga larong pang-isahan lang na dala ng mga computer. Hindi na rin kailangan lumabas ng bahay.
 
Ngayong Huwebes, aalamin ng Investigative Documentaries kung totoo ngang binura na ng makabagong panahon ang mga larong Pinoy. Marunong pa kayang maglaro ng tumbang preso, magpalipad ng saranggola at gumawa ng bangkang papel ang mga bata ngayon?
 
Ilan lamang iyan sa mga dapat abangan sa Investigative Documentaries, kasama ang beteranang investigative journalist na si Malou  Mangahas sa Huwebes, ika-walo ng gabi sa GMA News TV Channel 11.