Filtered By: Newstv
NewsTV

Ultimate Upo at Special Almusal, bibida sa 'Good News'


Ultimate Upo!


 
Kilalanin ang bigatin sa laki at sustansiya na upo. Ang additional good news, madali pa 'tong itanim at palaguin dahil hindi gaya ng ibang mga gulay, wala itong pinipiling panahon. Alamin kung paano gawin ang healthy and filling meryenda na Upo and Celery Sandwich at ang swak na partner sa ulam, ang Upo Atsara. Ituturo rin namin ang pagluluto ng isang winner ulam, ang Indian-inspired na Upo Dumplings. Pambato naman namin sa dessert ang makrema at masustansiyang Upo Yema.

Tubig for you!


 
Ang mga residente sa isang compound sa Malabon, matiyagang nag-iigib ng tubig sa iisang gripo araw-araw. At ang masaklap, kailangan nilang bayaran ang tubig. Kaya naman binisita namin sila para ilibre sila sa pinakamahalagang regalo ng kalikasan--ang tubig na sangkaterba ang pakinabang!

Special Almusal
Dahil hindi dapat kaligtaan ang most important meal of the day, handog namin ang mga breakfast idea na hindi lang kakaiba, kundi siksik din sa sustansiya. Sari-saring kainan ang aming binisita para tikman ang kanilang mga breakfast with a twist--gaya ng Bacon and Waffle Milkshake, Pancake Macaron at ang Breakfast Ice Cream!

Plastic Projects
Dahil nakakasira ng kalikasan ang basurang plastic, handog namin ang mga creative na paraan para ma-recycle ang mga ito. Mga pampaganda ng tahanan ang mga naisip naming mga proyektong binibidahan ng boteng plastic--gaya ng upuan na swak sa sala, basurahan, at agaw-atensyong flower vase.
Tags: prstory, goodnews