'Biyahe ni Drew' goes to Nueva Ecija
Biyahe ni Drew: Nueva Ecija
Friday, November 22 2019
8 pm on GMA News TV
Saludo ang Team BND sa mga magsasaka. Kaya all-out ang suporta ni Drew Arellano sa pagbisita niya sa Rice Granary ng Pilipinas, ang Nueva Ecija!
Agri-tourism is on the rise! At iba pang taniman sa N.E. Sisilipin ni Drew ang mga bukid na unti-unting nagiging hi-tech—solar-powered irrigation system, apps para sa mas mabilis na monitoring ng mga pananim, at bleacher tours!
Sa kaniyang paglilibot, makikita ni Drew ang pagiging malikhain ng mga magsasaka sa N.E. Imbes na malungkot na lang sa sitwasyon nila ngayon, hindi sila napapagod sa paghahanap ng mga alternatibong mapagkakakitaan. Gaya na lang ng pagkakaroon ng mga tour sa Dilalam Lake na dinarayo na ng mga turista ngayon! Nariyan din ang Giron Botanic Culture and Arts Center, pati na sa PMP Manmade Paradise Farm and Resort.
Pero bukod sa bigas, sikat din ang Nueva Ecija dahil sa kanilang masasarap ng tsibog! Isa na riyan siyempre ang kanilang world-famous longganisa na kapag isinahog sa pasta, perfect!
Magtanim ay ‘di biro nga aba? Alamin sa Biyahe ni Drew ngayong Biyernes, 8PM sa GMA News TV!
(English)
Drew Arellano spends quality time in the Rice Granary of the Philiippines, Nueva Ecija, where he checks out the agri-tourism scene, visits hi-tech farms, and eats as much rice as he wants.