Filtered By: Newstv
NewsTV

Mga pagkain at pasyalan sa Tagaytay, tampok sa 'Biyahe ni Drew'


Biyahe ni Drew: Tagaytay 2016
Biyernes, September 9
8 pm sa GMA News TV

 

Ilang beses na ring napuntahan ni Drew Arellano ang Tagaytay. Pero sa Biyernes sa Biyahe ni Drew, may mga sorpresa na namang bubulaga sa kaniya.

 


 

Kapag sinabing Tagaytay, siyempre bulalo agad ang papasok sa isip ng mga biyahero. Sa Diner’s, klasik ang serving ng bulalo— isang malaking beef bone marrow bone with vegetables and soup! Itong simpleng putahe ang nagpasikat sa restaurant na ito. Ngayon, meron na rin silang Dragon Bulalo na may sahog na dragon fruit, at ang mala-pinakbet na bulalo na may halong okra at malunggay. Nakakaintriga, ‘di ba?

 


 

Meanwhile, bibisitahin ni Drew ang bago at kakaibang theme park, ang Reptiland. Perfect for students and kids, dito makikita ang iba’t ibang uri ng reptile na pinapagalaw sa pamamagitan ng animatronics.

 


 

For a bit of culture, bibisitahin ni Drew ang Museo Orlina kung saan makakausap niya mismo ang batikang national artist na si Ramon Orlina. Bukod sa mga obra ni Orlina, makikita rin sa museo ang nakatutuwang koleksiyon ng Volkswagen cars ng iskultor.

 


 

And what is a trip to  Tagaytay without a bit of relaxation? Kaya naman ‘yan ang hahanapin ni Drew sa La Bella. Bukod sa mind-body bonding with  nature, huwag din daw palampasin ang kanilang  Spanish restaurant, lalo na ang house special na paella.

 

 

Sama na sa Biyahe ni Drew sa Biyernes, 8PM sa GMA News TV.