Nakahanap ng paraan ang isang imbentor sa Worcestershire, England kung papaano mapapakinabangan ang mga dumi ng aso.

Sa ulat ng Reuters, sinabing naghahanap noon ng eco friendly solution si Bian Harper tungkol sa nakakalat na dumi ng aso hanggang sa maisip niyang gawin itong biogas.

Sinubukan ni Harper kung gaano kalakas ang enerhiya na kayang makuha sa mga dumi ng aso sa pagpapailaw ng ginawa niyang street lamp.

Ayon sa imbentor, ang nasa sampung bag ng dumi ng aso ay kayang pailawin ang lampara ng hanggang dalawang oras.

Ang mga kalugar niya, kumuha kay Harper ng supot na lalagyan ng dumi ng aso at ibinabalik nila nang may laman.

Inihuhulog ang mga dumi sa isang lalagyan kung saan pinoproseso ang dumi ng ilang linggo para maging biogas na magpapailaw sa street lamp.

Ayon kay Harper, maliban sa pagpapailaw, may iba pa raw na maaring paggamitan ang mga dumi ng aso kapag ginawang enehiya.-- Reuters/FRJ, GMA News