Filtered By: Cbb
Community Bulletin Board

#AgostoSerye: Limang pakulo para sa Buwan ng Wika


Bago matapos ang Buwan ng Wika, inihahandog ng GMA News Online at GMA News Social Media ang isang makabagong paraan upang isulong ang wikang Filipino sa pamamagitan ng internet.

Sa ilalim ng proyektong #AgostoSerye, iniimbitahan ang YouScoopers at netizens na lumahok sa limang hamon ng GMA News:

1.     Hiritan sa Twitter

  • Bagong bugtong o sawikain? Pambobola o hinaing? Magbigay ng pinakakwela, pinakabenta, at pinaka-astig na hirit gamit ang wikang Filipino.

2.     Filipinas o Pilipinas?
  • Matapos isulong ni Virgilio “Rio Alma” Almario, Pambansang Alagad ng Sining, ang pagpapalit ng pangalan ng bansa, ibahagi ang iyong opinyon sa usapin kung dapat nga bang palitang ang "Pilipinas" ng "Filipinas."
3.     Isang kwento ng pag-ibig
  • Magsulat ng mga nakakakilig na istorya ng pag-ibig gamit ang wikang Filipino sa 140 karakter lamang ng Twitter. At sa mga may mapait na karanasan sa pag-ibig, maaari rin ninyong ibahagi ang inyong kwento.
4.     Tatagal ka ba nang tatlong araw?
  •  Hanggang kailan mo kayang gamitin ang wikang pambansa? Mag-post ng Tweets gamit ang wikang Filipino sa loob ng tatlong araw at alamin kung tatagal ka.

5.     Sino ang paborito mong bayani?
  • Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani sa ika-26 ng Agosto, nais naming malaman kung sino ang pinaka-astig na bayani para sa iyo. Sa loob ng 500 hanggang 800 salita, ikuwento sa amin kung bakit siya ang napili mo.
Para sumali sa aming hamon, sundan ang GMA News at YouScoop sa Twitter (@gmanews, @YouScoop) at bisitahin ang aming Facebook pages:
https://www.facebook.com/gmanews
https://www.facebook.com/YouScoopGMA

Huwag kalimutang gamitin ang hashtag na #AgostoSerye.

Sabay-sabay nating isulong ang wikang Filipino!

— Rouchelle R. Dinglasan, GMA News