Viral ngayon sa social media ang pagtulong ng isang tricycle driver sa isang nakatungkod na lolo na nahihirapang makatawid ng kalsada sa Baliwag, Bulacan.
Sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Biyernes, makikita sa video na tinatangka ng matandang lalaki na tumawid kahit may mga nagdadaang sasakyan.
Ilang sandali ay tumigil ang isang tricycle sa kaniyang tapat, bumaba ang driver at inalalayan siya.
Sinabing nangyari ang pagtulong ng driver habang nagdudulot ng ulan ang bagyong Ompong. — Jamil Santos/RSJ, GMA News