Retoke nga ba ang sagot sa mga pambu-bully para magbago ang hitsura, o kailangan lang nang matinding determinasyon para sa natural na tiis-ganda nang hindi dumaan sa operasyon ng duktor? Panoorin ang pagtutok ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Nang dahil daw sa kaniyang hitsura, kutis at timbang, madalas daw na nilalait noon ang 23-anyos na si Dave Villanueva.
Kung anu-ano raw ang tinatawag sa kaniya tulad ng ulikba, balat-kalabaw at "connect the dots" dahil sa dami ng kaniyang taghiyawat.
Ang mga panlalait na tinanggap, naging inspirasyon daw ni Dave para baguhin ang sarili.
Panoorin ang pagtutok ng "KMJS" kung papaano at ano kaniyang ginawa para unti-unting lumabas ang bagong Dave.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News