Lalaki at babae, nagkakaroon ng stretch marks o 'kamot' na nakakatawag ng pansin kaya pilit na itinatago ng iba. Pero may home remedy nga ba para mabura ito? Alamin ang sagot ng isang dalubhasang dermatologist.

Sa programang "Pinoy MD," sinabi ng resident dermatologist na si Dra. Jean Marquez na ilan sa mga karaniwang ginagamit na home remedy sa stretch marks ay pagpapahid ng mga lotion o cream.

Bagaman nakatutulong umano ito para mapahusay ang collagen ng balat para bumabaw ang iniwang marka ng "kamot," wala pa raw lubos na katibayan.

Ang pinakanirerekomenda ni Dra. Jean ay ang proseso na tinatawag na "carboxytheraphy." Panoorin:


Click here to subscribe and watch more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News