Patay ang isang pulis sa Sagay, Negros Occidental, matapos barilin ng kaniyang anak na pitong-taong-gulang.

Ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend nitong Linggo, sabi ni police report na nagtatalo ang pulis at kanyang live-in partner sa harap ng kanilang mga anak nang kunin ng bata ang baril ng ama at saka pinaputukan sa leeg.

Hawak na ng Sagay City Police-Women and Children Protection Desk (WCPD) ang bata at nakatakdang i-turn over sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Nagpapatuloy ang imbestigasyon. 

Sa ulat ng GMA Regional TV nitong Lunes, sinabing isasailalim sa paraffin test ang miyembro ng pamilya na nasa lugar nang mangyari ang insidente.— BM/FRJ, GMA Integrated News