Isa ang patay at patuloy pang sinasagip mula sa nasusunog na delivery van sa isang banging sa lalawigan ng Quezon nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng Super Radyo dzBB, sinabing nangyari ang insidente sa daan sa bayan ng Atimonan, na naging laman ng mga balita nitong mga nakaraang buwan dahil sa mga nakamamatay na mga aksidente sa daan. 

Ayon sa ulat, pahirapan ang pagkuha sa tatlong iba pang sakay ng 10-wheeler delivery van na naipit sa loob.

Patuloy pa rin ang rescue operation sa mga biktima. —LBG, GMA News