Courtesy by Beth Uriarte

Nakalambat ng isang malaking diana o moonfish ang ilang mga mangingisda sa Lamon Bay sa karagatang sakop ng bayan ng Atimonan sa lalawigan ng Quezon.

May bigat na aabot sa 30 kilograms ang isda at patay na ito nang dumating sa Atimonan Fish Port.

Ayon sa mga nakahuli nito, maaari umanong kainin ang isda at balak nilang paghati-hatian ito.

Ayon sa mga pagsasaliksik, ang moonfish ay karaniwang nakikita sa malalim na parte ng karagatan. Lumalaki ito ng sinlaki ng isang kotse. —Peewee BAcuño/LBG, GMA News