Emosyonal na binalikan ni Dina Bonnevie ang masakit na alaala nang maghiwalay sila noon ni Vic Sotto, at kung paano ito nakaapekto sa kanilang mga anak na sina Danica at Oyo Boy.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, diretsahang tinanong ni Tito Boy si Dina kung kinausap niya ang kanilang mga anak tungkol sa hiwalayan nila noon ni Vic.

"No. It was the other way around. Masakit mang isipin at balik-balikan 'yon, but it was the other way around because the kids started noticing 'How come papa is not coming home? How come daddy is not always not home? Where is he?' And then 'I don't know. Maybe he's at work,'" tugon ni Dina sa mga anak.

"Hanggang sa una, one day siyang (Vic) hindi umuuwi. Naging two days, naging three days, naging four days, hanggang sa hindi na siya umuwi. Nasanay na ang mga bata na wala na siya," pagpapatuloy niya.

Hanggang sa nagkaroon din ng usapan sina Dina at Vic tungkol sa pangangalaga ng kanilang mga anak.

Kalaunan, ipinaliwanag na rin ni Dina sa mga anak na naghiwalay na sila ni Vic sa set ng isang pelikula na ginagawa nila noon.

"Nagkaiyakan kami na 'I wish we could spend more time with daddy,  but we are going through some challenges, it's going to take time before I spend time with daddy again,'" anang aktres.

Laging hanap-hanap daw noon ng batang si Oyo Boy ang ama nitong si Vic.

"Si Oyo, violent reaction noon, 'No! I want daddy. Only daddy. No other, only daddy.' Kaya kahit na may lumalapit sa akin, 'Go away!' Akala niya lagi may kumukuha sa akin," saad ni Dina.

Si Danica naman, tila naunawaan na hiwalay na ang kaniyang mga magulang.

"I never really got to tell her, pero siya 'yung laging naghahanap sa daddy niya," ani Dina.

Pag-alala ni Dina, ang pagiging solong anak ni Danica noon ang "happiest years" nila ni Vic. Kaya naman lubha itong naapektuhan sa kanilang paghihiwalay.

"Every weekend we would go out of town, Danica was the favorite of everyone. Talagang papasa-pasa, everybody wanted to carry her, everybody wanted to hold her, to feed her. And then all of a sudden iba na. So talagang apektado."

"I just said, 'Well, I hope it's not like this.' That's why she said 'Mommy I want you and daddy to be back together,'" kuwento pa ng aktres.

"Every time I remember that naiiyak ako, Boy," emosyonal na sabi ni Dina, na nangarap ding magkaroon ng isang buong pamilya.

"As a mother, not because gusto ko na kami pa rin ni Vic kasi si Vic Sotto siya. But every mother would want to be with the father of her children. It's every mother's wish to have a whole family. Not a broken one," sabi niya.

"So when you remember the pain of your children while they are telling you that, you feel so helpless, you wish you could change things, but you can't," pagpapatuloy ni Dina.

Ayon kay Dina, ikinagulat ng kanilang mga anak ang nangyari, dahil hindi sila nag-aaway at hindi niya kahit kailan siniraan si Vic sa harap ng mga ito.

"We never fight in front of the kids and I never bad mouth their dad to the children. Never."

"I always say, 'You only have one dad and that's your dad, and you have to respect him."

Ikinasal sina Dina at Vic noong 1982, ngunit naghiwalay noong 1986 at napawalang-bisa noong 1992. -- FRJ, GMA Integrated News