Inihayag ni Max Collins ang pinakamalaking "misconception" o maling akala ng ibang tao tungkol sa kaniya.

"Ang pinakamalaking misconception tungkol sa akin ay suplada ako," sabi ni Max sa Kapuso Confessions.

Inilahad din niya kung bakit mahalaga sa kaniya ang fitness.

"Importante sa akin ang fitness dahil maganda siya for my mental health," anang "My Guardian Alien" actress.

Dati na ring sinabi ni Max na isa pang maling akala sa kaniya ng mga tao ang kaniyang pagwo-workout para magpa-sexy.

"The misconceptions, I didn't workout naman para lang magpa-sexy or pumayat. I really worked out for my mental health so that I can take care of my baby, I feel better and healthier," ani Max.

Tungkol sa kaibigan, sinabi ni Max na si Rhian Ramos ang isa sa mga pinaka-kaibigan niya sa showbiz. Habang ang series na "To Have and To Hold" ang pinakapaborito niyang ginawa. 

Inihayag din ng aktres ang labis na paghanga kay Gabby Eigenmann na kasama niya sa "My Guardian Alien," na napakahusay umanong gumanap sa role. 

Napapanood si Max bilang si Venus sa My Guardian Alien, na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Mapapanood ang My Guardian Alien Lunes hanggang Biyernes ng 8:50 p.m. sa GMA Prime, at sa GTV ng 10:30 p.m. -- FRJ, GMA Integrated News