Hindi lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na "Moonlight" ng P-pop group na SB19.

Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang "Moonlight," at may 1.1 million views naman ang music video sa Youtube sa loob ng dalawang araw.

Sa post ng grupo sa X (dating Twitter), ang collaboration song ng SB19, kasama sina Ian Asher at Terry Zhong ay number one sa music charts sa Pilipipinas, Singapore, Hong Kong, Saudi Arabia, UAE, Indonesia, Cambodia, Bahrain, at Qatar nitong Linggo, May 5.

Umabot din ang kanta sa 10th place sa iTunes sales worldwide noong May 4.

"SLMT ng sobra for swimming, A'TIN!" saad ng SB19 sa post.

 

 

Hindi lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na "Moonlight" ng P-pop group na SB19.

Inilabas ng SB19 ang "Moonlight" noong May 3, at kasunod ito ay inilabas din ang music video na si Justin de Dios, miyembro ng grupo, ang nagdirek.

Si Jay Roncesvalles naman ang nasa likod ng choreography ng "Moonlight," na siya ring may gawa ng viral "GENTO" dance steps.

Matapos ang PAGTATAG! World Tour nila sa Dubai at Japan, magkakaroon ng back-to-back concert ang grupo sa May 18 at 19 sa Smart Araneta Coliseum. —FRJ, GMA Integrated News