Ikinasal na ang singer-TV host na si Angeline Quinto sa kaniyang non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

Ibinahagi ito ni Boy Abunda sa kaniyang "Today's Talk" segment sa programang "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes.

Ayon sa King of Talk, ginawa ang kasal nina Angeline at Nonrev sa Quiapo Church nitong Huwebes ng umaga dahil parehong deboto ng Black Nazarene ang dalawa.

Si Vice Ganda umano ang nagsilbing maid of honor ni Angeline, habang si Sarah Geronimo ang tanging flower girl.

Kabilang naman sa mga principal sponsor sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Martin Nieverra, Vicki Belo, at Tito Boy.

"I really pray na sana'y magkaroon kayo ng maligayang buhay at ng mahabang buhay, and your love should always be bigger than the problems you go through," sabi ni Tito Boy sa bagong kasal.

Mayroon nang isang anak sina Angeline at Sylvio na isinilang noong 2022.—FRJ, GMA Integrated News