Pagkakalooban ng natatanging parangal ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards ang Kapuso royal couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tatanggap ang dalawa ng FAMAS Bida sa Takilya Award, na ibinibigay sa mga bida ng mga pelikulang tumabo o kumita nang malaki sa talikya.

Naging blockbuster sa takilya ang pelikula nina Marian at Dingdong na “Rewind,” na ipinalabas noong Disyembre na kabilang sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Ang "Rewind" ang naging highest-grossing Filipino film of all time sa Philippine domestic sales. Kasalukuyan itong mapapanood sa Netflix.

Gaganapin ang FAMAS Awards sa May 26 sa Fiesta Pavilion sa Manila Hotel.

Napapanood ngayon si Marian sa Kapuso series na “My Guardian Alien.” Habang host naman ng "Family Feud Philippines" si Dingdong. —FRJ, GMA Integrated News