Ipinagdiwang nina Michael V. at misis niyang si Carolina “Ayoi” Bunagan sa pamamagitan ng romantic date habang sakay ng yate ang 30th anniversary ng kanilang civil wedding. Ang Kapuso comedy genius, ibinahagi ang "sikreto" ng matagal nilang pagsasama.

Sa Instagram Reel, sinorpresa ni Michael V o Bitoy ang kaniyang misis ng bouquet of flowers habang sakay sila ng yate sa Manila Bay.

“Sa mga nagtatanong kung ano’ng sikreto namin for lasting this long, I believe it’s because we’re BOAT committed and we’re BOAT in love,” saad ni Bitoy sa caption.

“Happy 30th [Ayoi]! I love you!” dagdag niya.

 

 

Nitong nakaraang taon, ginanap ang renewal vows ng mag-asawa kasabay ng kanilang 25th wedding anniversary.

Mayroong apat na anak sina Bitoy at Carolina na sina Yanni, Milo, Migo, at May Paul. — FRJ, GMA Integrated News