Ilang segundong natigilan si Simon Cowell sa ganda ng tinig, ganda ng mensahe at tapang na ipinakita ng "America’s Got Talent" contestant na nakikipaglaban sa sakit na cancer.
Original song niya na "It's Ok" ang kinanta ng kalahok na si Jane Marczewski, na kilala rin bilang si Nightbirde na isang mang-aawit.
Pero natigil na siya sa pagkanta dahil sa pakikipaglaban niya sa kaniyang sakit.
Ayon kay Jane, ang kaniyang kanta ay tungkol sa nalalabing isang taon ng buhay.
Kumalat na raw cancer sa kaniyang baga, spine at liver.
Nang matapos ang awitin, sinabi ng kapwa host na si Howie Mandel ang kahalagaan ng "authenticity” sa isang mang-aawit.
Inayunan ito ni Simon, na pigil na emosyon dahil sa mensaheng laman ng awitin ni Jen sa pagharap sa kaniyang karamdaman.
“Absolutely stunning. I totally agree with what Howie said about authenticity. There was something about that song and how you casually told us what you’re going through,” ani Simon.
Pero natigilan si Simon at tila may naramdaman nang sabihin ni Jane na, “You can't wait until life isn't hard anymore before you decide to be happy.”
Bagaman hanga si Simon sa pagkanta ni Jane, sinabi niyang hindi niya ito bibigyan ng "Yes."
Sa halip, binigyan siya ni Simon ng "Golden Buzzer."
Ayon kay Jane, two percent lang ang ibinigay sa kaniyang tiyansa na mabuhay. Gayunpaman, masaya pa rin si Jane.
“Two percent is not zero. Two percent is something and I wish people knew how amazing it is,” nakangiti niyang sabi.
Tunghayan ang nakaantig na performance ni Jane sa video.
--FRJ, GMA News