Para kay Kapuso diva Maricris Garcia, may tamang panahon ang lahat ng bagay. Kaya masaya siya na sa ika-11 ng kaniyang career, gaganapin na ang kaniyang kauna-unahang solo concert.
Pinamagatang "MAR1CR1S," gaganapin ang naturang concert sa sa Teatrino sa Greenhills sa Setyembre 28.
Kapuso diva Maricris Garcia is excited as she prepares for her “MAR1CR1S” concert on September 28 at Teatrino in Greenhills. @gmanews pic.twitter.com/3svDfmbDl1
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) September 13, 2018
"'Yung unang plano ko was on my 10th year na hindi lang talaga napagtuunan ng pansin. Nu'ng lumampas 'yon, sabi ko po talaga itatapat ko rin ng September, birthday, ganiyan. Nu'ng lumampas 'yon sabi ko, 'Hindi na puwedeng next year pa, kailangan na talaga ito na.' Tapos nu'ng naisip 'yung title, yung MAR1CR1S tapos 'yung dalawang I naging 1 parehas. Sabi ko, 'Wow! Siguro nga this is the perfect time,'" saad ni Maricris sa media conference nitong Huwebes sa Quezon City.
"Kasi hindi rin naman po ako nagmamadali sa mga bagay-bagay, sa career or sa kung saan man. Basta inaantay ko lang or naniniwala ako sa fate na, kung para sa'yo, para sa'yo. Kung darating, alam ni Lord kung kailan 'yung tamang time, so feeling ko ito na po 'yon kaya ngayon lang siya nangyari," saad niya.
Si Maricris Garcia ang itinanghal na grand champion ng Pinoy Pop Superstar Year 3 noong 2007.
Matapos nito, nabuo ang La Diva at nakasama niya sina Aicelle Santos at Jonalyn Viray, na napanood sa dating program ng Kapuso network na "SOP."
Si Maricris din ang kumanta ng theme songs ng maraming Kapuso shows tulad ng Nang Dahil Sa Iyo (Mga Mata ni Anghelita); Mahal Kita (MariMar); Kung Sana Bukas (Babangon Ako't Dudurugin Kita); Ibibigay Ko Ang Lahat (The Half Sisters); Iniibig Kita (MariMar); Ako'y Mahalin (Destiny Rose); at ngayo'y Huwag Kang Papatay ng Ika-5 Utos.
Maricris Garcia singing “Mahal Kita” as a preview for her MAR1CR1S concert on September 28 at Teatrino in Greenhills. @gmanews pic.twitter.com/3VrhP9Odqg
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) September 13, 2018
"Since this is my very first solo, this show will showcase my journey simula po nang nagsimula ako sa Pinoy Pop Superstar, lahat ng pinagdaanan ko, mga naging projects, 'yung 'La Diva' part, 'yung mga theme songs part, hanggang sa present," anang singer.
Ayon kay Maricris, magiging panauhin niya sina Asia's Songbird Regine Velasquez at Mark Bautista.
"Si Mark kasi, isa sa mga nakakakuwentuhan ko dati nu'ng pinaplano ko pa lang 'yung concert. 'Yung mga insights na nasasabi nila malaking naitulong din sa pagbuo nito so hindi na akp nagdalawang isip na isama siya," kuwento niya.
"And si Nar Cabico, sobrang galing kasi ni Nar. Fan ako ni Nar sa kaniyang pagiging artist, pagiging composer, paggawa ng mga kanta niya, so karangalan po sa akin na maka-duet siya," saad pa ni Maricris.
Gusto raw ni Maricris na maging intimate siya sa audience sa kaniyang concert.
"'Pag galing ka kasi sa singing contest, people will expect you to always birit and birit. This time, wala masyadong gano'n. Meron konti. Tapos, since my venue is very small lang, very intimate, gusto ko parang nagkukuwento lang ako, nakikipagkuwentuhan sa audience. Gusto ko lahat sila, nakaka-interact and nakakausap ko," ayon kay Maricris.
Maricris Garcia sings “Beautiful Disaster” as a preview for her MAR1CR1S concert on September 28 at Teatrino in Greenhills. @gmanews pic.twitter.com/s4Cri3F6xm
— Jamil Santos (@Jamil_Santos02) September 13, 2018
Dagdag pa niya, "It's like opening up na talagang ako. Ako kasi, what you see is what you get. I don't pretend to be someone else just for people to like me. I'll treat everyone as my barkada na parang kakilala ko talaga lahat personally."
Ayon kay Maricris, nais niyang tularan ang ginagawa ng kaniyang idol na si Barbra Streisand kaniyang mga concert. -- FRJ, GMA News