Inihayag ng kampo ni Ellen Adarna na “any form of travel” ay ipinagbabawal sa aktres dahil sa maselan nitong pagbubuntis.

Ito ang dahilan kung bakit sa ikalawang pagkakataon ay no-show si Ellen sa preliminary hearing ng reklamong Anti-Cybercrime at Anti-Child Abuse na isinampa laban sa kanya ng mag-asawang Myra at Roel Santos.

Kaugnay ito ng “paparazzi” issue na kinasangkutan ng menor de edad na anak ng complainants na si Eleila Santos.

Paliwanag ng legal counsel ni Ellen na si Atty. Rebo Saguisag:

“Ayun na nga, may medical certificate, advised against any form of travel.

“Parang may binanggit dun na under normal fetal weight. Magaan yung bata masyado.

“Again, hindi pinapabiyahe ang aming kliyente.

“And as you know, she's still in mourning after the death of the father.”

Kasama rin ni Atty. Saguisag ang dalawa pang legal counsels ni Ellen na sina Atty. Reggie Ukol at Atty. Des Ukol.

Si Ellen ay kasalukuyang nasa Cebu na hometown ng kanyang pamilya.

Tila nanatili roon ang sexy actress mula nang pumanaw ang negosyante nitong ama na si Alan Modesto Adarna noong June 2.

Kaya’t umapela muli ang kampo ni Ellen na i-reset ang hearing sa July 9. —PEP

For the full story, visit PEP.